Lhirikoh

Lhirikoh - Dukha songtekst

Je score:





JHO:



ako ngayon ay lumabas dito sa Mandaluyong

upang akin nang linisin ang duming dumadaluyong

sa ating paligid na nakakaasiwa

mga pakitang tao sa pulubi ay timawa



maghapong tirik ang araw, pulubi'y nanlilimos

sa kahabaan ng Boni, kahit ang bulsa ay simot

isang babae ang tumawa at pulubi ay nilait

hoy ineng yong isaisip di ka dapat sa langit



tignan mo ang yong sarili, nasa'n ka ba parati?

ang yong tinatapakang buhay ba'y sisira sa sarili

ang tanging daan lang ay magpatawad ng lubos

patawarin ang sarili ng nag-iisang Diyos



ito ay kwentong hango sa tunay na buhay ng 'sang batang san jose

ngayon ako ay bumabanat sa tenga ng mga dukhang

kailan ma'y hindi mabibingi

simpleng awit ni jhojho, alay ko sa mga pulubi





INSOLENT UNO and CHINITO:



ang awit kong ito sana'y pakinggan mo

para sa'yo ang awit kong ito









CHINITO:



tumingin ka sa paligid at tignan ang bawat gilid

dahan-dahan kang sumilip at unawain ang may bahid

nang mapansin mo ang mga taong naghihirap

na pilit abutin ang kanilang mga pangarap



kay daming tao dito sa ating mundo

na kailangan ng kalinga at pagmamahal mo

bawat oras sandali may taong nasasawi

hindi ka ba nagugulat ba't hindi mapakali



at unawain ang mundong ginagalawan

nababalot ng misteryo at puno ng karahasan

karanasan, dapat mong paghandaan

unti-unting dumarating nang hindi mo namamalayan



mag-ingat nandyan na si kamatayan

at hindi ka na magising dalhin ka niya sa yong himlayan

ang mensahe kong ito sana'y inyong maunawa

ako nga pala si Chinito sana'y inyong makilala





INSOLENT and CHINITO:



ang awit kong ito sana'y pakinggan mo

para sa'yo ang awit kong ito







INSOLENT UNO:



ako'y isang mahirap at kay dami nang pangarap

ang tangi na hinangad ko ay kami ay umangat

sa mundong ito na aking ginagalawan

hindi ko maunawaan kung bakit nagkaganyan



nalilito ang puso ko't nahahabag sa kanila

hindi ko man alam kung bakit naghihirap sila

sadyang ganyan ang buhay minsan tayo gano'n

ang maging mayaman man hindi ko pinangarap yon



oh kay hirap sa panahon natin ngayon

hindi mo maiisip kung bakit nagkagano'n

ako si Insolent uno na laging nagtatanong

dito sa isip ko gulong-gulo ako ngayon



tayo'y isang dukha na lagi na lang kinukutya

at kahit sino pa man sa atin ang gumagawa

ng mga bagay na hinding-hindi mo maunawa

kaya't nagtatanong sa Diyos nating Bathala





INSOLENT UNO and CHINITO:



ang awit kong ito sana'y pakinggan mo

para sa'yo ang awit kong ito




Vind dit lied op:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Auteur: ?

Componist: ?

Publisher: ?

Details:

Taal: Tagalog

Deel je mening

Dit formulier wordt beschermd door reCAPTCHA en de Google Privacy Policy en Servicevoorwaarden zijn daarbij van toepassing.

0 Reacties gevonden