Lhirikoh
Lhirikoh - Dukha lyrics
Your rating:
JHO: ako ngayon ay lumabas dito sa Mandaluyong upang akin nang linisin ang duming dumadaluyong sa ating paligid na nakakaasiwa mga pakitang tao sa pulubi ay timawa maghapong tirik ang araw, pulubi'y nanlilimos sa kahabaan ng Boni, kahit ang bulsa ay simot isang babae ang tumawa at pulubi ay nilait hoy ineng yong isaisip di ka dapat sa langit tignan mo ang yong sarili, nasa'n ka ba parati? ang yong tinatapakang buhay ba'y sisira sa sarili ang tanging daan lang ay magpatawad ng lubos patawarin ang sarili ng nag-iisang Diyos ito ay kwentong hango sa tunay na buhay ng 'sang batang san jose ngayon ako ay bumabanat sa tenga ng mga dukhang kailan ma'y hindi mabibingi simpleng awit ni jhojho, alay ko sa mga pulubi INSOLENT UNO and CHINITO: ang awit kong ito sana'y pakinggan mo para sa'yo ang awit kong ito CHINITO: tumingin ka sa paligid at tignan ang bawat gilid dahan-dahan kang sumilip at unawain ang may bahid nang mapansin mo ang mga taong naghihirap na pilit abutin ang kanilang mga pangarap kay daming tao dito sa ating mundo na kailangan ng kalinga at pagmamahal mo bawat oras sandali may taong nasasawi hindi ka ba nagugulat ba't hindi mapakali at unawain ang mundong ginagalawan nababalot ng misteryo at puno ng karahasan karanasan, dapat mong paghandaan unti-unting dumarating nang hindi mo namamalayan mag-ingat nandyan na si kamatayan at hindi ka na magising dalhin ka niya sa yong himlayan ang mensahe kong ito sana'y inyong maunawa ako nga pala si Chinito sana'y inyong makilala INSOLENT and CHINITO: ang awit kong ito sana'y pakinggan mo para sa'yo ang awit kong ito INSOLENT UNO: ako'y isang mahirap at kay dami nang pangarap ang tangi na hinangad ko ay kami ay umangat sa mundong ito na aking ginagalawan hindi ko maunawaan kung bakit nagkaganyan nalilito ang puso ko't nahahabag sa kanila hindi ko man alam kung bakit naghihirap sila sadyang ganyan ang buhay minsan tayo gano'n ang maging mayaman man hindi ko pinangarap yon oh kay hirap sa panahon natin ngayon hindi mo maiisip kung bakit nagkagano'n ako si Insolent uno na laging nagtatanong dito sa isip ko gulong-gulo ako ngayon tayo'y isang dukha na lagi na lang kinukutya at kahit sino pa man sa atin ang gumagawa ng mga bagay na hinding-hindi mo maunawa kaya't nagtatanong sa Diyos nating Bathala INSOLENT UNO and CHINITO: ang awit kong ito sana'y pakinggan mo para sa'yo ang awit kong ito