Loonie

Loonie - Dukha songtekst

Je score:

Intro:

Eyo R. Kelly... pahiram muna ng beat, hah... Heh... Wala kasi akong pangbiling beat eh...

Chorus:

Kasi ako'y Dukha!
Ako'y Dukha!

Verse 1:

Tumaas na naman ang presyo ng bigas
Kaya ang kanin natin ngayon medyo matigas
Buti nga nakahingi ako sa kapitbahay
Baka meron ho'ng kaning lamig o kahit palay
Kahit na walang ulam ako'y nagtitiis
Samantalang ikaw lingo lingo nagli-Libis
Ako'y naiinis at ako'y naiingit
Kinakain na isda ako pa ang magmimimuit

Chorus:

Kasi ako'y Dukha!
Ako'y Dukha!
Kasi ako'y Dukha!

Verse 2:

Aking inay balita ko puro utang ka na raw
Laging ulam ay munggong lumulutang sa sabaw
Sira na ang karton na aking pinagtulugan
Iniinum kong tubig ay aking pinagmumugan
Luluwas akong maghahanap nang kapalaran
Sa Maynila baka sakaling magkapangalan
Sumikat at magkaroon ng taga-hanga
Sana naman, gumanda ang aking tadhana
Pabaon ni inay ay masahe at halik
Wala na pala akong pamasahe pabalik (Patay! )

Chorus:

Kasi ako'y Dukha!
Ako'y Dukha!
Kasi ako'y Dukha!

Verse 3:

Ako'y yumaman nakapunta sa America at sa Africa
Dumami na ang aking salapi pati ang pera ko merong sariling pabrika
Hindi na tayo maguulam ng talong at dilis
Ang ating bahay ay hindi na "Home Along Da Riles"
Kung dati walang pambili ng bente na patis
Hetong tseke, tayo'y mamalengke sa Paris

Chorus:

Ako'y di na Dukha!
Pera ko ngayon tatlong mukha!
Di na Dukha!

Verse 4:

Versace 'tong suot ko, sayo ano tatak niyan?
Lima asawa ko bawat isa walo sasakyan
Sa dami nang pera pinapakupit at pinupunit
Hindi mauubos kahit mabuhay nang pitong ulit
Kaya daw man lumaki ang aking pagiging bantog
Patagal ng patagal ako'y nagiging hambog
Kasi mayaman na, biglang sumikat ang mga kanta
Tapos biglang pinulikat dumilat ang mga mata

Outro:

Panaginip lang pala!
Panaginip lang pala!
Panaginip lang pala!
Panaginip lang pala...
Vind dit lied op:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Auteur: ?

Componist: ?

Publisher: ?

Details:

Taal: Tagalog

Deel je mening

Dit formulier wordt beschermd door reCAPTCHA en de Google Privacy Policy en Servicevoorwaarden zijn daarbij van toepassing.

0 Reacties gevonden