Loonie
Loonie - Dukha lyrics
Your rating:
Intro: Eyo R. Kelly... pahiram muna ng beat, hah... Heh... Wala kasi akong pangbiling beat eh... Chorus: Kasi ako'y Dukha! Ako'y Dukha! Verse 1: Tumaas na naman ang presyo ng bigas Kaya ang kanin natin ngayon medyo matigas Buti nga nakahingi ako sa kapitbahay Baka meron ho'ng kaning lamig o kahit palay Kahit na walang ulam ako'y nagtitiis Samantalang ikaw lingo lingo nagli-Libis Ako'y naiinis at ako'y naiingit Kinakain na isda ako pa ang magmimimuit Chorus: Kasi ako'y Dukha! Ako'y Dukha! Kasi ako'y Dukha! Verse 2: Aking inay balita ko puro utang ka na raw Laging ulam ay munggong lumulutang sa sabaw Sira na ang karton na aking pinagtulugan Iniinum kong tubig ay aking pinagmumugan Luluwas akong maghahanap nang kapalaran Sa Maynila baka sakaling magkapangalan Sumikat at magkaroon ng taga-hanga Sana naman, gumanda ang aking tadhana Pabaon ni inay ay masahe at halik Wala na pala akong pamasahe pabalik (Patay! ) Chorus: Kasi ako'y Dukha! Ako'y Dukha! Kasi ako'y Dukha! Verse 3: Ako'y yumaman nakapunta sa America at sa Africa Dumami na ang aking salapi pati ang pera ko merong sariling pabrika Hindi na tayo maguulam ng talong at dilis Ang ating bahay ay hindi na "Home Along Da Riles" Kung dati walang pambili ng bente na patis Hetong tseke, tayo'y mamalengke sa Paris Chorus: Ako'y di na Dukha! Pera ko ngayon tatlong mukha! Di na Dukha! Verse 4: Versace 'tong suot ko, sayo ano tatak niyan? Lima asawa ko bawat isa walo sasakyan Sa dami nang pera pinapakupit at pinupunit Hindi mauubos kahit mabuhay nang pitong ulit Kaya daw man lumaki ang aking pagiging bantog Patagal ng patagal ako'y nagiging hambog Kasi mayaman na, biglang sumikat ang mga kanta Tapos biglang pinulikat dumilat ang mga mata Outro: Panaginip lang pala! Panaginip lang pala! Panaginip lang pala! Panaginip lang pala...