Skabeche
Skabeche - Turuan Mong Umibig Ang Mga Bata songtekst
Je score:
[Words by: Noel Salonga] Turuan mong umibig ang mga bata Turuan mo sila Turuan mong magmahal Pag-ibig na may dangal Huwag mong hayaang pumatak ang ulan Sa mata ng mga bata sa iyong kandungan Takpan mo ang dilim na hatid ng ulan Ilatag mo ang araw sa kanilang daraanan Ikaw ang ulap at kanilang bubong Yakap ng pag-ibig sa musmos ay ihandog Pagmamahalang inasam ng panahon Ay madarama mo na sa buong maghapon At turuan mong umibig ang mga bata Turuan mo sila Turuan mong magmahal Pag-ibig na may dangal Kamatayang dala ng katandaan Bahaghari ka sa iyong paglisan Sagisag ng pag-ibig at pag-asa Dakilang guro ng mga bata Bip bip bip padididap didum… Malapit na ang araw Araw ng pagsilang Ng wagas na pag-ibig Na ating natutunan At turuan mong umibig ang mga bata Turuan mo sila Turuan mong magmahal Pag-ibig na may dangal