Hambog Ng Sagpro
Hambog Ng Sagpro - Ermats songtekst
Je score:
Ako ay anim na taon nung ako'y iniwanan mo Kaya nung bata pa ako ikaw ay iniwasan ko Kasi ako'y may katanungan at ako'y nagtatampo "Wala na nga akong ama iniwan pa ng nanay ko?" Sa eskwela pag magulang pinapupunta nila! Ako'y walang kasama dahil ako'y walang ama't ina! Bakit Po? Ba't iniwan nyu akung nagiisa? Ba't ganun? Ba't sila? Andon ang ina nila? Nung ikaw ay umalis bakit di mo ko dinala Alam mo ang pangalan ko pero di mo kilala Dahil ang aking paglaki hindi mo nasubaybayan Iniwan mo akung anghel ngayon ay may sungay na yan Ilang kaarawan ko na ang nagdaan laging wala ka Kung kaya't habang umeedad mas lalong lumala pa Pero wag magalala di masama aking loob Bakit? Ma pakinggan mo ang susunod... Iingatan ka Aalagaan ka Sa puso ko ikaw ang pag-asa Sa 'ting mundo May gagabay sa iyo Ang alay ko'y itong pagmamahal ko May nagmamahal, aakay sa iyo Aking inay ikaw ang nagbigay Ng buhay ko Buhay na kay ganda Pangarap ko na makamtan ko na 2nd verse Hindi mo ginusto noong ako ay naiwanan mo Lahat ng binigay mo sakin ay pinaghirapan mo Tanging inisip mo nalamang ay kinabukasan ko Sarili mo hindi mo inisip nilunasan mo Ang ating buhay na mahirap kaya ika'y nagsikap Sarap ng buhay ko ikaw naman ay naghihirap Kaya nagtanung ako bakit ba ko nagtampo "Pwedi ka namang maghirap basta sama mo ako" Dahil ang buhay mo alam ko at aking nakabisa Matagal ka nang hirap, tagal mo nang nagiisa Ayukong dumating yung araw lahat ay huli na ma Yung dapat kung ipadama hindi ko naipadama Kaya hayaan mo ako hanggang ika'w nandito pa Magsimula ng panibago ulitin sa umpisa Alam mung puso ko'y manhid at bakal ang pagkasadya Pero mahal kita ma hindi lang mo mahalata 3rd Verse Hinahanap mo pa ang pagmamahal ng babae sa iba Eh, ang babae na tapat kung magmahal ay ang ina" Madameng babaeng daan sayu at iba'y Iiwan Ka Din Nila Pero ang yung ina'y ang syang babae na matitira Dahil ang isang "inay" ay kayang maghintay Magbago ang kanyang anak at di sya bibigay Ngunit kanyang ibibigay, lahat ng kayang ibigay Kahit walang matira sa kanya walang problima kay inay Ang galing galing nila no? Kaya sana'y suklian natin sila kahit papano Di usapan kung magkano ang usapan ay paano Ipakita at ipadama sa kanya kung gaano Mo sya kamahal at nagpapasalamat tayu Sa pagmamaha nilang walang talo laging panalo Kung wala aking inay, walang "Hambog Ng Sagpro" Hanggang dito nalang dahil naiiyak na nga ko Sa katulad kong anak ay dapat nga lang mainis Pero ikaw ay nag tiyaga at saakin ay nagtiis Kaya ako'y awang-awa habang sayo'y nakatingin Kahit walang kwentang anak pinilit kong intindihin Lahat ay kaya mong gawin Basta lamang para sakin At patawad sa lahat sana ako ay patawarin Pag ako ay namatay sa kapalarang malupit Sa kabilang buhay maging nanay ko sana ikaw ulit Dahil kahit hirap ka na sa tulad ko na pabigat Magaan pa rin loob mo sakin kaya halika't Pakinggan kanta ng anak mung suwail at pasaway Ngunit tinanggap mung buo naging mabuti kang inay Kahit ngayun ako mayroon ng dalawang anak Kekwento ko sa kanila ang lola nyu ay nagpatak Ng luha, pawis at dugo at laging nasa tabi ko Kaya salamat "Ermats" ikaw kakampi ko