Gary Granada
Gary Granada - Kababaihan songtekst
Je score:
Mula sa umpisa ang buhay ko'y nakasalalay Sa wika ni ama at mga lalake ng aking buhay Ano ang dahilan, paano at kailan, ano'ng sanhi? Sabi ni inay, dahil kami ay Nagkataong isinilang na babae Huling dinidinig at unang pinagsasabihan Ang aking daigdig ay daigdig ng kalalakihan At ang aking silbi sa araw at gabi'y palamuti Tahimik sa tabi, dahil lang kasi Nagkataong isinilang na babae Unang nagigising at huli ng natutulog Habang unti-unting pagkatao'y nadudurog Di katakataka, sa tahana't pabrika ako'y api Sabi nga nila, dahil lang pala Nagkataong isinilang na babae Hindi ko matanggap na dahil dito na nasanay Ang aking hinaharap ay ganito na habangbuhay Isip at diwa, puso't kaluluwa ay pumipiglas Gaya ng bukal na di masasakal Dadaluy at dadaloy ang kalayaan Kasama ng iba, unti-unti kong natutuhan Ang aking halaga at likas na kapangyarihan May kasarinlan, may kakayaha't kakanyahan Bahagi ng buo kung saan patutungo Ang kasaysayan ng sangkatauhan Ako'y samahan n'yo sa aking pakikibaka Sa paglaya ko kayo ay aking kasama Dangal ko ay taglay kung saan pantaypantay ang kalagyan Ating itindig sa bagong daigdig Ang kalayaan ng kababaihan