Gary Granada
Gary Granada - Ang Butil Ng Pag-ibig songtekst
Je score:
Tatlong magkakaibigan ang sa gubat napasyal Magsasaka, mangangaral at mangangalakal Doo'y may ermitanyong nasalubong nila May tatlong kumikislap na butil na dala Butil ng pag-ibig, wika ng matanda Ay ipamahagi palagi sa kapwa Ang mamamg negosyante, inuwi sa kanila Ang butil ng pag-ibig binigyan ng halaga Sa hapag ng mamahalin at babasaging kristal Nilapag at itinuring na panauhing pandangal Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa silid Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig Butil ng pag-ibig, wika ng matanda Ay ipamahagi palagi sa kapwa Ang magiting na guro, kanyang isinapuso Ang butil ng pag-ibig itinuring na ginto Nilukuban ng talino ng maingat na pantas Sa sisidlang kumikinang ng pilak na kwintas Ngunit kahit na ang butil ay panatag sa dibdib Ay nanatiling butil ang butil ng pag-ibig Butil ng pag-ibig, wika ng matanda Ay ipamahagi palagi sa kapwa Ang masinop na magbubukid, isinalin sa paso Ang butil ng pag-ibig inalay sa mundo At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal Sa palibot na payapa hinasik at dinilig Sumibol at namunga ang butil ng pag-ibig At sa lupa na sa sipag at tiyaga ay binungkal Sa bakuran ng katuwiran na hindi nabubuwal Sa palibot na payapa hinasik at dinilig Sumibol at namunga, namunga ng kalinga, Tiwala at pag-asa ang butil ng pag-ibig