Asin (Salt Of The Earth)
Asin (Salt Of The Earth) - Balita songtekst
Je score:
CHORUS 1 Lapit mga kaibigan at makinig kayo Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako Ang lupang pinanggalingan ko'y may bahid ng dugo May mga lorong 'di makalipad na sa hawlang ginto May mga punong walang dahon, mga pusong 'di makakibo Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako Mula nang makita ko ang lupang ito Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao Ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago Ngayon ang puso'y may takot sa lupang ipinangako [Repeat CHORUS 1] Dati-rati'y ang mga bukid ay gulay ginto Dati-rati'y ang mga ibon 'sing laya ng tao Dati-rati ay katahimikan ang musikang nagpapatulog Sa mga batang walang muwang sa mundo Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo Patakan n'yo ng luha ang apoy sa kanyang puso Dinggin n'yo ang mga sigaw ng mga puso Ng taong una n'yong dadamhing kabilang sa inyo CHORUS 2 Duul mga kaigsuunan nugpaminaw kamo Duna ko'y dala nga mga balita gikan sa banwa ko Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya Nga nagagahitabu sa banwagisa na 'to