Sevenes
Sevenes - Ang Aking Panalangin songtekst
Je score:
(Chorus) 2x Una dyos Ama, Pangalawa ay Buhay, Pangatlo ay Pamilya, Asawa at iba pa. 1st Verse: "Sevenes"... Una ay dyos, sya ang gabay na nagbibigay ng lakas sa buhay Nagpapatnubay at nagkukulay ng ating araw, at gumagabay sa bawat galaw Sa bawat tapak ng ating nilalakbay sa damdamin ng ating buhay Sya ang tinatawag ko na hari, kaibigan ko lahat ng bagay pwede kong masabi Sa kanya lang ako nagdadasal katulad nito, ito ang aking panalangin sana madama mo Kantang sinulat kinanta ginawa ko para sa akin, sayo, sa panginoon na mahal ko Nagpapasalamat ako, na binubuhay nyo po ako Kasama narin ang pamilya ko, mga pinsan ko Kaibigan, kapatiran, mga mahal ko sa buhay na marunong rumespeto Pati narin po itong mga musika na ginawa ko Ginagawa ko po lahat makatulong lang ako sa tao Tunay po puso ko inaalay sa katulad ninyo At sana mapatawad po ninyo ako sa mga kasalanan kong nagawa, Nagawa... nagawa... sa buong buhay ko... (Chorus) 2x Una dyos Ama, Pangalawa ay Buhay, Pangatlo ay Pamilya, Asawa at iba pa. 2nd Verse: Pangalawa ay buhay, buhay ko, buhay mo, buhay nating lahat Ay dapat ng magising sa katotohanan Wag na tayong manakit, isat isa ay alagaan Yakapin mo ang taong nangangailangan Kagaya ko, kailangan kong yakapin ang tagumpay at ang Panalo, sana makamit ko balang araw Sa langit tayo magdasal, kahit pa natin isigaw Isigaw ng malakas na kayo na po ang bahala Patnubayan buhay namin, na araw gabi kami ay masaya Na may makain sa umaga, sa tanghali, hapunan ay may ilaga At sana may himala, at sana may payapa At sana may pag-asa na mawala ang problema Ibat iba ang buhay, ibat iba ang misyon na gawain ng iba, ito ang tunay Tingnan mo yung pinanganak ng mahirap, Tingnan mo yung pinanganak ng mayaman Minsan baliktad ang kanilang kapangyarihan, Dito malaman na ganito talaga ang buhay... Buhay ko, buhay mo, buhay nating laha, "ang ating kapalaran"... (Chorus) 2x Una dyos Ama, Pangalawa ay Buhay, Pangatlo ay Pamilya, Asawa at iba pa. 3rd Verse: Pangatlo ay asawa, Di ka dapat sa kanya magsawa Di mo dapat pag palit at wag paiyakin pa Sila ang tunay na magdadalang anak mo at iyong bata Wag na wag mong sasaktan sya Tandaan mo na sya lang ang mamahalin mo hanggang tumanda Sa ikli ng buhay, siguradohin na kayo ay laging magkasama At kailangan nyo ng tiwala sa isat isa, Upang marating ninyo ang walang away ito ay tama At sa anak ninyo, alagaan ninyo at pansinin pa Wag pababayaan, dapat lagi sila mahalin Wag sisigawan oh sila ay maging masama at biglang maghiganti Kaya mga magulang, hinay hinay lang tiwalaan mo ang yong kakampi Mga anak respetohin mo ang iyong mga magulang Wag nyong kalimutan sya ang yong pinangalingan Ang tunay na magmahal sayo, kahit anong mangyari sila sasaklolo Sasagip sayo, pag ikaw ay naligaw sa bisyo Sa akin naman panginoon, wag nyo po akong pababayaan Dyan lang po kayo sa likod ko, kasama ng mga anghel kong kaibigan At sa mga kanta kong ginagawa, mayat maya sana marinig na ng bayan Kapatid ito ang tunay at katotohanan Wala akong pakielam sa pera, sa kwarta, sa salapi At iba pa, gusto ko lang pong marinig ninyong lahat nilalaman Ng utak ko, at puso ko, itong panalangin ito na inaalay ko sa dyos... Na sana... maintindihan po ninyo ako... amen...