Gloc-9
Gloc-9 - Tsinelas Sa Putikan songtekst
Je score:
Ilakad ang tsinelas sa putikan humakbang kahit na mahirap iyong mga paa'y madudumihan palatandaan ng pagsusumikap bumangon sa hamon kalaban at hindi ka na papayag magpa agos sa alon sabay nating itataas ang layag Barong-barong (Barong-barong) Patong patong (patong patong) bulok na bahay (bulok na bahay) kalong kalong ng lupang di sa amin (di sa amin) sako sakong dasal 'wag palayasin (palayasin) halo halong mga sana na nagka dikit dikit parang kapit mo sa gamit na nagka ilit ilit (ilit ilit) maniningil na pagka kulit kulit sa kakarampot mong naipon na nagka punit punit lumang bente, sengkwenta maswerte kung isang daan para kang benenta pagkatapos ay dinag-anan ng kalang sinilaban lutuang walang laman kaliwa o pakanan alam mo pa ba ang daan? tinatapakan (tinatapakan) tinutulaan sinabihin ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang maraming nakaharang kahit magsabing 'paraan' minsan ang paglaban lamang ang natitirang paraan Ilakad ang tsinelas sa putikan humakbang kahit na mahirap iyong mga paa'y madudumihan palatandaan ng pagsusumikap bumangon sa hamon kalaban at hindi ka na papayag magpa agos sa alon sabay nating itataas ang layag sawang-sawa ka na ba gusto mo nang magmura sumigaw umayaw bumitaw kung baga tila kumupas na'ng mga guhit guhit sa mga palad ang hiling ay hindi madinig dinig tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig kumandiriti dahil baka may magising nakakahiya bagkus bumulagkus ang poste ng bahay at gumiba kumayod na parang wala ka'ng karapatang humiga dumura kahit na ayaw mo'ng kapalan ang mukha tinatapakan (tinatapakan) tinutulaan sinabihin ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang maraming nakaharang kahit magsabing 'paraan' minsan ang paglaban lamang ang natitirang paraan Ilakad ang tsinelas sa putikan humakbang kahit na mahirap iyong mga paa'y madudumihan palatandaan ng pagsusumikap bumangon sa hamon kalaban at hindi ka na papayag magpa agos sa alon sabay nating itataas ang layag Ilakad ang tsinelas sa putikan humakbang kahit na mahirap iyong mga paa'y madudumihan palatandaan ng pagsusumikap bumangon sa hamon kalaban at hindi ka na papayag magpa agos sa alon sabay nating itataas ang layag