Gloc-9
Gloc-9 - Balita songtekst
Je score:
Lapit mga kaibigan at makinig kayo Ako'y may dala dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako. Ako ay pilipino sa isip at sa gawa Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan May pamilyang kumakain na kulang sa dalawang Beses sa isang araw minsan wala pang pang lugaw Bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom Na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan Yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan Mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis Hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso Bagkus isang taong gulang nyang kapatid at may baso sa harapan Na nagbabakasakaling lagyan baryang pambili ng tinapay na pang laman sa tiyan Mga pinunong bago mamatay at magkasakit Sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig. Duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to Mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga Tangan tangan at balot nakasuot ng pang digma Bakit di mapag tugma ang mayaman at dukha Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa Pare-parehong sundalo muslim man o kristyano Ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo Pinoy ang nasa loob ng ataul na sinarado Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang Pinangako respeto't pagmamahalan ay pilit na tinatago Lawin hindi maka dapo may pakpak na limitado At naka kulong sa seldang may walang susing kandado Kaylan kaya matatapos ang pag agos ng dugo At ang kapayapaay mahawakan ng buong buo Yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi Sa bawat taong bahagi ng watawat na hinapi Duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to Lapit mga kaibigan at makinig kayo...