Flict-G
Flict-G - Makikilala Mo Ako songtekst
Je score:
Sino ba si flict g na madalas naririnig Na kilala lang sa pangalan ng mga tagapakinig Maraming di nakakakilala sa akin ng personal Na maging sa panloob pati na rin sa pisikal Okay, sisimulan ko munang magpakilala Ang tunay na pangalan raymond buenceso rivera Taga mandaluyong at sa aurora, baler sinilang Taas noo na sa repablikan ako nabilang At nakasama mga malulupit kong idolo Aking tanging hangarin ay magbigay ng titulo Sa mga tinuring ko na aking ikalawang pamilya Sila ang nagdugtong ng lupa upang makilala Ang tao na sa radyo ko lagi pinapakinggan Tinatawag syang denmark isa ring batikan At yan ang kwento ng huling taon ko sa pagkabinata Unang pahina at unang kabanata Koro Kundi mo pa ako kilala pakinggan ang awit na to Sa pagsabay sa himig ko makikilala mo ako Samahan mo ng puso ang pakikinig sa king kanta Isantabi ang mga poot at buksan ang mga mata Ako ung taong makasalanan din kung tutuusin Handa akong isuko ang buhay ko kung tutubusin Ni hesus ang aking buhay ay aking tatanggapin Pagkat alam kong mga diablo sakin ay tatanggalin Kung yan lang ang paraan upang malinis ang kaluluwa Hindi ko ikalulungkot at aking ikatutuwa Ang daming kong kasalanan na hindi pinagbayaran Ang dami kong sinaktan marami ring pinabayaan Mga payo ng magulang at kanilang pangangaral Di ko naisip silay dahilan ng aking pag-aaral Ng dahil sa kanila hindi ako lumaking tanga Masinop ang aking inat masipag ang aking ama Nasuway ko na rin ang ilang batas ng sampung utos Sa sampu, sinuway ko ang tatlumpung puntos May misyon ako sa buhay pero di pa tapos Ang talikuran ang demonyo at humarap sa diyos (Repeat koro) (Repablikan recordz syndicate productions) (Crazy family) (187 mobstaz) (Flict g) (Blind rhyme productions) Yo! Dati akong hindi naniniwala sa panginoon Ayaw kong sumama pag nagsisimba kami noon Siga pa kung maglakad at maangas na binatilyo Pag lumabas nakahubad at malakas manigarilyo Nung nakilala ko siya nagbago buhay ko dahil Salita pa lang niya pumuputol na ng pangil Ako mismo magsasabi dapat magpasalamat ka Ayaw ka nyang mapahamak kahit makasalanan ka Mga nagdaang panahon ay aking babalikan Salamat sa mga sumusuporta sa repablikan Salamat sa mga nakaaway ko at nakasagupa Kayo ang dahilan kung bakit ako nahasa At kay siobal d na nagbigay sakin ng kayamanan Kayamanang kahit kaylan ay di ko kayang bayaran Dahil sa panginoon marami akong natamo Sya ang dahilan kung bakit naririnig mo kanta ko (Repeat koro)