Sugarfree

Sugarfree - Dear Kuya lyrics

Your rating:

Dear kuya, kumusta ka na dyan?

Anong balita, malamig ba dyan?

Dito mainit, pero kung bumagyo

Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito



Matagal na rin, mula nang ika'y

Magpasyang subukan ang swerte

At abutin ang iyong mga pangarap sa ibang bansa

Kung saan ikaw ay lagin mag-isa

Kami tuloy dito, nag-aalala



Nasan ka man ngayon

Ano man oras na ika'y may kailangan

Tawag ka lang sa amin

At parang nandito ka na rin



Oo nga pala, kung nasa ‘yo pa

Ang checkered na polo ko, sa ‘yo na yan

Hanap ka na rin ng maraming mapapaglibangan

Dahil balita ko mahal daw ang sine dyan



Dambuhala raw ang mga pinapakain dyan

Tataba ka malamang

Miss mo na bang magtagalog?

Kuya pag may kumausap sa ‘yo

Galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya



Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy

Sulat ka palagi

Miss ka namin, pati nga kapitbahay nagtatanong

San ka raw nagpunta? San ka raw nagpunta?



Nasan ka na kuya
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Language: Spanish

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found