Marikina Clan
Marikina Clan - Tunay Na Mahal lyrics
Your rating:
CHORUS: Nasan na ang pangako mo noong sinusuyo ako Anong tamis anong lambing binibigkas ng labi mo Ngunit kahit nagbago pa sa akin ang damdamin mo Mananatili kang mahal sa puso ko VERSE 1: Kung mapapansin mo ang lubos kong pagluha Ikaw ang dahilan at ikaw ang may gawa Tama ba naman na sumama sa iba Ngayong meron na ka nang minamahal at sinisinta Puro ka pa asa puro ka pa salita Hinihintay kita pero bakit ka kumakaliwa Kaya ngayon san paroroon Ang pagsasama natin na wala sa direksyon Tanong ko lang sa yo ano ba ang aking pagkukulang Tanong ko lang sa yo ano ba ang di ko napunan Tapos mahal agad mo kong tatalikdan Iiwanan mo na lang pagkatapos pagtripan Kay sakit naman lahat halos hindi ko matanggap Kung nagsasalita ang puso matagal nang nanumbat Sa yong ginagawang puro kataksilan Likas ba sa iyo na ika'y manalikdan CHORUS VERSE 2: Parang kailan lang nang tayo'y nagsumpaan Taas kamay ka pa sabi mo walang iwanan Ngunit bakit sa sandaling ako'y makalingad Iba ang iyong kasama at iba ang iyong kayakap Sadya ngang masama sadya ngang maligalig Iba'ng kinakalinya at iba ang iyong katalik Akala ko pa naman wala ako sa yong kasalo Akala ko mahal nag-iisa ako sa puso mo Ngunit aking nabatid akin pang natatanto Tumagal ang pagsasama na meron kang kalaguyo Napakasaklap naman napakahapdi Ang dulot ngayon dito sa aking dibdib Halos di ko makaya halos pumatak ang luha Dahil sa pagtaksil mo sa kin at pagbabalewala Kaya ang puso ko ngayon walang magawa Kung nasa kalagayan kita ikaw ay mapapaluha CHORUS VERSE 3: At kung inaakala mong nananahimik lang ako Nagkakamali ka muling babawi sa yo I can't remember that nang ako'y iyong lokohin Nakarami ka na bago mo ko tapatin Coz nagparaya na nga tapos dinaya mo pa Ang mahirap pa nito ang tumikim ay iba In other side taga-simot lang ng tira Palibhasa gusto mong babae iba iba Pano mo nagawa pano mo nasikmura How about me wala ba akong lasa Itinaboy mo na pina-ikot mo pa Ang di ko matanggap tinapaktapakan mo pa Iginisa mo ko sa sariling kong mantika Habang wala ako ikaw nama'y nagpapakasasa Sa piling ng iba nagpapakasaya Nagpapakaligaya lubos-lubos ang nadarama CHORUS