Gagong Rapper

Gagong Rapper - Magpakailanman lyrics

Your rating:

Yo, habang buhay, tayong dalawa ang magsasama

Nang makita ko ikaw, nagpasalamat kay Bathala

Dahil sa ipinagkaloob ka Niya sa akin

Matagal na rin naman akong nagpapapansin



At sa kanto, ‘di ba ako'y laging nakaabang

Gagawin ko ang lahat basta't makita ka lang

At salamat din, dahil iyo nang dininig

Ang mga pagsusumamo ko't mga parinig



At ngayon na ikaw na nga at ako

Pangakong magpakailanman na ‘di ako lalayo

Sa piling mo, ako'y mananatiling uhaw

Dahil alam kong espesyal ka sa bawat araw



At tayong dalawa ‘di ba hanggang sa huli

Lumayo ka man sa akin, you're still my baby

And forever you will always be my lady

That's how like I love you, please believe me, baby



CHORUS

Walang iwanan (walang iwanan) magpakailanman (magpakailanman)

Tayong dalawa ay magkasama

Mahal, ikaw at ako (ikaw at ako) magpakailanman (magpakailanman)

Sa dulo ng walang hangganan



Uh, nang dumating ka sa aking piling, aking mahal

Para bang nakatayo sa itaas ng taal

Na magtagal at init nating pagmamahal

Ito aking dasal, habang buhay magtagal



Na wari, walang katapusan, walang ending

Ang storyang pag-iibig at hindi gigiling

Na makapiling, ikaw ang gustong makasama

Sa tala, ito ang aking tinatamasa



Sa buhay ko, ikaw ang nagbigay ng kulay

Malungkot kong mundo, ikaw ang nagbigay ng buhay

Walang humpay sa ‘yo ko ibibigay

Ang pagmamahal ko na walang kapantay



Iaalay pati ang buhay ko ilalaan

Sa iyo pangako ko aking patutunayan

Na babantayan ka hanggang katapusan

Ikaw at ako hanggang magpakailanman, huh



[Repeat CHORUS]



Listen to me, baby girl, you're the apply of my eye

I love you so much, girl, never ever say goodbye

I can't wait for the day to see you walk that aisle

And I promise thee to take the frown into a smile



I made my decision, this is where I wanna be

I thank God above, girl, that you're my wifey

Now make that decision and accept my wedding ring

Girl, our love will shine better than a bling bling



You and I, ikaw at ako'y magsasama

Lahat ay gagawin upang ikaw ay mapasama

Sa aking piling, hindi ka magwo-worry

Pagka't kakaiba ‘tong ating love story



Happy ending, walang katapusang pagmamahalan

Walang halong pag-iimbot at pag-aalinlangan

Ikaw lang ang kailangan sa pang-habang buhay ko

Magpakailanman, ikaw lang at ikaw lang sa buhay ko



[Repeat CHORUS]



And yo, mahal, ikaw naman talaga

Ulit-ulitin man ito, ikaw pa rin nag-iisa

Walang iba, walang ibang kahati

Buksan mo man ang puso ko, panagalan mo'y nananatili



At huwag mo sana silang pakinggan

Kung sino mang humadlang, huwag mo silang hayaan

Sirain ang ating relasyon na ngayon tumatagal

Sana balang araw, sa ‘yo ako ay makasal agad



Muah, minsa'y hindi nagkakasundo

Kahit minsa'y malabo, kahit minsa'y nagugulo

Hindi pa rin kita pagpapalit kanino man

Tandaan mo iyan magpakailanman



Magpakailanman, walang iwanan

Hindi mawawala sa iyong harapan

Laging babantayan, aalagaan

At mga pangako ko sa ‘yo, hindi ka lilimutan



Tayong dalawa ay magtutulungan

Mga problema natin sabay reresolbahan

Ikaw ang bulaklak, ako ang bubuyog

Pagmamahalan natin hindi mabubulabog



Kahit anong mangyari, nandito lang ako

Ikaw lang ang nilalaman ng puso kong ito

Mapalayo ka man dito sa piling ko

Ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko



[Repeat CHORUS twice]
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found