Dong Abay

Dong Abay - Perpekto lyrics

Your rating:

ikaw ay nagdaramdam

puso ay nagdurugo 

hindi mo yata alam kung san ka patungo 

ikaw ay naliligaw 

isip ay nalilito 

ayaw mo ng gumalaw 

hindi ka sigurado 





ikaw ay napupuwing 

minsan nabubulagan 

mata ay nakapiring 

daan ay kadiliman 

ikaw ay nadadapa 

napipilayan din 

di makapagsalita 

anung ibig sabihin? 



refrain: 

wala, wala namang... 

wala namang perpektong tao 



chorus: 

ano ba ang epekto 

kung meron kang depekto? 

ano ba ang epekto 

kung meron kang depekto? 

ano ba ang epekto 

kung meron kang depekto? 

ano ba ang epekto 

kung meron kang depekto? 





ikaw ay nawawala 

minsan ay nawawalan 

di ka naniniwala 

puno ng alinlangan 

ikaw ay nanliliit 

ligtas ka ba sa rehas 

bakit ka nakapiit? 

bakit ka tumatakas? 





ikaw ay natatakot 

parang walang hangganan 



ang kirot ng bangungot 

di mo makalimutan 

ikaw ay nanlulumo 

bilang na ba ang araw? 

gusto mo ng sumuko, 

mundo ay nagugunaw 



(refrain) 

(chorus) 





ikaw ay inaalon 

walang kalaban-laban 

tuluyang nalulunod 

tungo sa kalaliman 

ikaw ay nalulula 

agad kang nahuhulog 

babagsak sa lupa 

at biglang madudurog. 





ikaw ay nagdurusa 

kaya pa bang tumagal 

hindi na makahinga 

lalo pang nasasakal 

ikaw ay dumadaing 

dala mo ba ay sumpa 

para kang ililibing 

at ipinagluluksa. 



(refrain) 

(chorus) 



bridge: 

wala... 

wala namang... 

wala namang perpekto 

anu ba ang epekto 

kung meron kang depekto? 

wala namang perpektong tao...
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Language: Tagalog

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found