Dagtang Lason

Dagtang Lason - Mas Mahal Na Kita Ngayon lyrics

Your rating:

Mas mahal na kita ngayon, higit pa kesa noon
Mas mahal na kita ngayon, at sa habang panahon
Wala akong pakialam sa 'king nakaraan
Kahit na ako'y pinagtatawanan
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon
Dahil...

Di mo na 'ko tinutulak sa'ting hagdanan
Di mo na nilalagyan ng lason ang ulam
At sa gabi pag ako'y tulog nang mahimbing
Di mo na ako tinatakpan ng unan
Di mo na sinusubsob ang mukha ko sa kalan
Di mo na 'ko sinisipa sa 'king harapan
At mas makinis na rin ang balat sa dibdib
Dahil hinding hindi mo na 'ko pinakukulam
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon

Mas mahal na kita ngayon
'Wag ka nang magtatanong
Basta't mahal na kita ngayon
Yan ang lagi kong tugon
Kahit di mo nakikita o nararamdaman
Ang aking tuwa ay walang paglagyan
Ang alam ko lang mas mahal na kita ngayon
Dahil...

Di mo na pinapakain ng para sa pusa
Di mo na pinipitik ang mata ng pigsa
At pag sinabi mo sa 'king damit ko'y maganda
Di na masyadong malakas ang iyong tawa
Di mo na 'ko pinasisinghot ng paminta
Di mo na nilalagyan ng langgam sa tenga
Hindi na kulay dugo ang aking paningin
Dahil hindi na hinihiwa ng blade sa mata
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon
Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon
Ang mahalaga'y mas mahal na kita ngayon
Dahil...

Di mo na kinukwentong satanista ako
At ang nanay ko'y nireyp ng isang maligno
Nabawasan na rin ang bukol sa ulo
Dahil hindi mo na'ko pinapalo ng tubo
'Di mo na pinapalayas ng nakahubo
'Di mo na pinapaligo ng bagong kulo
Medyo hindi na rin ako nagmumukhang bungo
Dahil hindi mo na dinodonate ang aking dugo
Ang hapdi at kirot ng sinapit ko noon... howohuwohuwo
('Di ko na ramdam pagkat mas mahal na kita ngayon)
Kahit nasan ka man mas mahal na kita ngayon
Ang cute mo naman bagay ka sa iyong... ataul...
Hay salamat!
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Language: Tagalog

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found