Constancio De Guzman
Constancio De Guzman - Maala-ala Mo Kaya lyrics
Your rating:
Maala-ala mo kaya Ang sumpa mo sa akin Na ang pag-ibig mo ay Sadyang di magmamaliw Huwag mong sabihing ikaw'y hamak Kahit na isang mahirap Pagkat ang tangi kong pag-ibig Ganyan ang hinahanap Aanhin ko ang kayamanan Kung ang puso'y salawahan Nais ko'y pag-ibig na tunay At walang kamatayan Maala-ala mo kaya Ang sumpa mo sa akin Na ang pag-ibig mo ay Sadyang di magmamaliw Kung nais mong matanto Buksan ang aking puso At tanging larawan mo Ang doo'y nakatago. Di ka kaya magbago Sa 'yong pagmamahal Hinding-hindi giliw ko Hanggang sa libingan O kay sarap mabuhay Lalo na't may lambingan Ligaya sa puso ko Ay di na mapaparam Maala-ala mo kaya