The Akafellas
The Akafellas - My Imagination (Feat. Gloc-9, Syke, Raymond Marasigan of Sandwich) lyrics
Your rating:
Someday, you'll be part of my imagination Sana'y makita kitang umiyak na may tunay na mga luha Pumapatak sa mga mata bumakat ang daloy sa mukha Iniiyakan mo ang sa'yo nagpakulang Nalulong ka sa mga masamang bisyong sa iyo bumubulong Sa magulong mundo makipagsapalaran Iniwan ka ng 'yong asawa At ang anak mo'y sinama sa Cagayan Makipaglaro ka sa tadhana Hanapin ang kapalaran sa kalawakan ng Maynila Sapagka't ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang dahilan Kung ang sanhi ng iyong pagluha ay kawalan 'Wag mawalan ng pag-asa, kumilos ka't gawin ang unang hakbang Maglakad sa parang na parang lahat ay di hanggang pangarap na lang Someday, you'll be part of my imagination Bakit kailangang lumuha sa tuwing ika'y nagkakasala Pilitin mong bumangon ay lagi kang nadadapa Dahil ba sa kahirapan ng buhay ay patuloy Mong pinupulot ang butil ng mga naiwang abuloy At di kayang tumitig sa mga matang nagtatanong At pinipilit na baguhin Sa bawat pagkakataon at dapat daanan ang bawat makitid Na lansangan ng buhay Mistulang alipin ispin ano bang Tunay na kulang ng luha pag-asa ba'y humuhupa Pilitin mang bumangon ay natatabunan ng lupa Huwag mawalan ng pag-asa laging Handang umunawa Kahit anong mangyari siya lang ang makakakilala sa'yo Someday, you'll be part of my imagination Yeah, cry for me Naaalala niyo pa ba? Kung ba't siya lumuluha Ang daming pinangarap na hindi pa nakukuha May nakikinig pa ba sa kanyang sinasabi Nakalimutan niyo na ba na natapakan ng higante Abante, walang humpay pa rin kung dumiskarte Lahat ng pagsusubok ay walang inuurungan Merong lihim ang gabim sisikat din ang araw May bago s'yang pangako balang araw sisigaw. Darna! S'yang magliligtas sa tangi niyang dugo Maibabalik na rin ang nakalipas na yugto. Balang araw Someday, you'll be part of my imagination