The Akafellas

The Akafellas - Kahit 'Di Sabihin lyrics

Your rating:
Kahit 'di mo sabihin
Ang nadarama sa 'kin
Di ko na pipilitin pa
Di mo ba nakikita
Ang iyo bang akala
Di ako nakakahalata

Kay sakit mang isipin na nagbago ka sa 'kin
Napag-aralan ko nang tanggapin
Kay sakit sa damdamin ang dinulot mo sa 'kin
Ba't ikaw ay mahal pa rin

Ang lahat ng ating alaala'y tinangay ng hangin
'Di ka man lang nanghinayang sa lahat ng pinagdaanan natin
Pinilit limutin ngunit kay bigay na sa pusong dalhin
Paano na?
Paano... Hindi ko kaya...

Alam kong sa 'yo ay wala na
Sino bang minahal mong iba?
Hindi pa ba sapat kahit na ginawa ko nang lahat
Ako ba'y nagkulang sa 'yo?
Bigla ka na lang nagbago...
Alam mong mahal kita, magpapatuloy pa ba?
Masakit sa damdamin, alam kong gagawin...
Kahit 'di sabihin

Ikaw na rin ang tumapos sa'tin
Ikaw na ring may gustong limutin
Kailangan ko nang magpaalam
Kung ikaw ay para sa 'kin
Magbabalik ka rin...

Alam kong sa 'yo ay wala na
Sino bang minahal mong iba?
Hindi pa ba sapat kahit na ginawa ko nang lahat
Ako ba'y nagkulang sa 'yo?
Bigla ka na lang nagbago...
Alam mong mahal kita, magpapatuloy pa ba?
Masakit sa damdamin, alam kong gagawin...
Kahit 'di sabihin

Kahit 'di mo sabihin ang nadarama sa 'kin
'Di ko na pipiliitin pa....
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Released in: 2004

Language: Tagalog

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found