Skabeche
Skabeche - Kaba lyrics
Your rating:
[Words by: Michael M. Santos] Kangina ko pa napapansin ang iyong tingin Na parang mayroon kang gusting sabihin Aalukin ba kita ng isang inumin Sa isang sayaw kaya kita'y ayain Kinakabahan, kinukutuban Lalapit ka kaya o maghihintay Ayan at nagtagpo nanaman ating mata Sabay bawi ka at tingin sa iyong kasama Subalit kapansin-pansin ang naiwang ngiti Diyan sa mapula't malambot mong labi Kinakabahan, kinukutuban Lalapit ba ako o maghihintay Lala-lala-lala-lala… Dumadalas ang paghawi mo sa iyong buhok, sabay tingin At pagbasa-basa mo sa iyong labi, sabay ngiti Hindi na rin mapigil ang iyong pagtitig, ooh sa akin At paghaplos-haplos mo sa iyong mga binti, sabay ngiti Kinakabahan, kinukutuban Kailangang may mangyari Kinakabahan, kinukutuban Hindi dapat magtapos sa halik sa hangin