Repablikan
Repablikan - Pintuan (Bintana Pt. 2) lyrics
Your rating:
Sa pag pikit ko ng mga mata tila'y panaginip Nang pagdilat ko'y nandyan ka na pilit iniipit Ang balakang baka biglang magising na merong luha Muli akong mabigo ngunit tila ang mga dusa Ay naglaho ng lahat ng sa akin ikaw ay lumapit Tunay ngang ikaw ay tunay lalo't ng sa akin kumapit Nadama ko ang ligaya na hindi mapaliwanag Parang lumilipad sa ulap ng ako'y tinawag mo At sabay sinabi ang lahat ay dahil sakin Nagbalik ka dahil sa mga pinagsamahan natin Panahon at mga oras na hindi ko inakalang Maari pang maulit yun na lang ang tanikalang Pumipigil sa atin upang ilabas ang saloobin Na puno ng pag iibigang handa ng salubungin At lahat ng hirap at pagsubok sa ating daanan Mahal kita yan ang sinabi mo na iingatan Chorus: Hirap at sakit ay di ko inalintana Ngayon ako ay nagbalik At ang pinto ng puso kong ito'y nakabukas para sa'yo Kapalaran nga ang tunay na sa atin nagbuklod Ako'y naririto pagkata akin lamang sinusunod Ang sinasabi at sinisigaw nitong aking damdamin Na hindi ko pala kaya ang ika'y mawalay sa'kin Alaala ng mga pinagsamahan na lumipas Naririto ako upang ipagpatuloy bukas Ngayon at magpakailanman sa ating dalawa Alam kong tunay ang pag ibig na iyong nadarama Para sa'kin asahan mong ito ay iingatan Pangako ko kailanman ay di ka na iiwanan Pagkat di ko naman din kaya ikaw ang syang ligaya Sana ang puso mo'y nananatili pang Malaya Hawakan mo kamay ko sana wag mo nang bitawan Mahal kita ako'y di mo na kailangan ligawan Antas man ng buhay natin ay sadyang magkaiba Baliktarin man ng lahat sinta ipaglalaban kita Bridge: Alam mo bang ikaw lang ang aking mahal At yan ay totoo Akala ko nasa panaginip na lamang Ang lahat ng pangarap ko CHORUS Alam mo bang ikaw lang ang aking mahal Lahat ay gagawin upang iyong malaman Nang ikaw ay dumating sa buhay kong ito Muling umiikot ang akingmundo Sa puso kong ito ikaw ang kailangan Ang pag ibig mo dahil minamahal kita CHORUS 2x