Repablikan
Repablikan - Paalam lyrics
Your rating:
Paalam, ang salita na aking dapat banggitin Ang poot sa puso ko ay di na kayang kimkimin Ika'y sakim, di man lang naisip na ako'y tapat Ang pagibig na inalay ay hindi pa ba sapat? Til death do us part, aking palaging sinasabi Pero bakit ang buhay ko sa iyo'y nagkandaleche Peste, para kong lamok na nilatero Kasi ang tulad mo ay talagang maharot Hindi na kaya, kaya't gusto ko ng maging malaya Tumakas sa kulungan na parang ibong malaya Maging madaya man ako ay aking gagawin Kahit na sobrang sakit ito'y aking titiisin Ang alin? Pwedeng wag mo na kong tanungin Baka magulat ka ikaw ay aking sapakin Pagod na kakaisip at dumadagdag ka pa Akala mo nagbibiro pero seryoso na CHORUS: Ginawa lahat para sa'yo Napapansin mo ba ito Pero ngayon, ako ay nagsawa na Ako, ngayon, ay aalis na Paalam, iiwan na kita Di ko na kayang mahalin ka pa Ahh, ako'y sinaktan lang naman Minahal kita bakit ganon? Lahat naman ng ginawa ko sayo din noon Di mo ba ako kayang mahalin? Kaya pinilit ko na lang ang lahat tanggapin Ang mga katotohanang kahit na masakit Kapag naaalala ka ay napapapikit Sawang sawa na ako di na kita kayang mahalin Ang iyong pangaapi pinilit ko lang tanggapin Dahil nga mahal kita noon, ewan ko ngayon Nabago na ang agos pati takbo ng panahon Ginawa ko ang lahat para lang mapasaya ka Ngunit ang isinukli mo ginawa mo kong tanga IMPAKTA KA! Ang sarap mong umbagin Kahit na hindi ko kayang iwan ka'y titiisin Go na lang ang sakit kasi hindi ko na nga kaya Na mahalin ng tulad mo kasi ako'y dala na CHORUS: Ginawa lahat para sa'yo Napapansin mo ba ito Pero ngayon, ako ay nagsawa na Ako, ngayon, ay aalis na Paalam, iiwan na kita Di ko na kayang mahalin ka pa Ahh, ako'y sinaktan lang naman Sayang lang pagmamahal ko sa iyo Hindi mo naman pinansin ito Ooh, ako'y sinaktan lang naman Ang lahat ng ginawa ko ay hindi pa ba sapat? Hindi mo na kailangang tanungin kung sino ang tapat At dapat tama kong gawin ay lumayo na ko sayo At dapat ding malaman mo walang poot sa puso ko Ang mga tulad mong sakim na iniisip ang sarili Then akala ko ay ayos lang ngunit ako'y nadali At sinabi mo sa akin na ako'y nagiisa Pero nang malaman mo kami'y madame na pala Gaano ba kahirap na ako'y iyong mahalin Halos lahat naman para sayo handa kong gawin Di na kayang tiisin pasakit mo kay scream Lahat naman ng sakripisyo ko ay di mo pansin Ano ang dapat gawin ako'y sinaktan mo lang Pagkatapos ng lahat pinagsawaan mo lang Ngayon ako'y bagot na at di kana matiis Paalam na sa'yo oras na para umalis BBYE! CHORUS: Sinaktan mo lang(2x) Sinayang lahat(2x) Kaya iiwan na kita Sinaktan mo lang(2x) Sinayang lahat(2x) Kaya iiwan na kita Paalam na Paalam, iiwan na kita Di ko na kayang mahalin ka pa Ahh, ako'y sinaktan lang naman Sayang lang pagmamahal ko sa iyo Hindi mo naman pinansin ito Ooh, ako'y sinaktan lang naman