Repablikan
Repablikan - Ikaw Lang Ang Mahal lyrics
Your rating:
Buhat ng masilayan ka ay hindi na maalis Ang kasiyahang dulot ng pagmamahalang kay tamis Di na matiis ang bawat pag hindi pag naiisip ka Lumulundag ang aking puso at walang kasing saya Sayo lang nakalaan ang bawat pagtibok ng puso Sana di na magbago sumpaan at ating pangako Pinangako sa sarili na walang ibang iibigin At sa diyos na may kapal ikaw lang ang tanging dalangin Sana na makasama ka hanggang sa pagtanda Ikaw lang ang mahal at sa bato iyong itaga Pag-asa ka sa bawat pagsikat ng araw sa umaga At sana pag-gising ko mga pangamba ko'y wala na Kung ako'y papipiliin gusto ko ay ikaw At ayaw na mangyari na di na kita matanaw Na maka-isang araw ay bigla na lang gumuho Napana na ang pag-ibig natin na ating tinayo [Chorus] Sa aking isipan hindi ako nangangamba Ikaw lang ang mahal at wala na ngang iba (2x) Dito sa aking isip ikaw lang ang laman Dito sa aking puso ikaw lang ang laman Ang dahilan kung bakit ang aking puso ay patuloy sa pagtibok At kahit gaano karami man ang inumin ay patuloy sa pagsinok At di ko malaman kung panu ko sisimulan na sabihin sayo ang mga Nais sabihin na mahal kita, kahit na magpalasenggo ka ng tanga Sa pagnanais ko na mapadama ang pag-ibig na nais sayong ibigay Gagawin ko ang lahat kahit na ang sarili sa putikan pa malagay Wag ka lang makita na may lumbay, at makita ang may luha sa mata Handa 'kong gawin ang lahat kahit na pasabugin man ang dalawa 'kong paa Sa akin sinta ay wag kang mangamba sapagkat ang pag-ibig ko'y para sayo Pinapanalangin ang araw't-gabi na pag kinasal ako sana sayo Na sana wag mang ipangarap na lang pagmamahalang aking inaasam Sana pakinggan ang awitin at ang dahilan ay para lamang ipaalam Na kahit ngayon meron ka nang iba sabihin man na sa kanya masaya Sakali man nasaktan ka nandidito ako mahal ko yayakapin kita [Repeat chorus] Hindi na nga mag-iisip ng kung anu-ano pa Basta't minamahal kita yan lang pangako sinta Di ka na mag-iisa palagi kang aalalayan At kahit anong mangyari di kita pababayaan Ikaw lang ang mahal at wala nang iba Paniwalaan mo sana ang ginawa kong kanta Na para lamang sayo sana nama'y dinggin mo Upang malaman mo na ikaw ay minamahal ko Ngunit pano ko mahahagilap ang pag-ibig na hinahanap Kung hindi kita makamit at lagi ko na lang pinapangarap Na makasama kahit kelan kahit man lang saglit Sa puso at isipan kung hindi ito mawawaglit Alam mo naman na ikaw lang ang mahal Palagi ko na dalangin sa may kapal na sana na tayong dalawa ay magtagal Upang ako'y hindi na umaatungal Ako'y sumugal palagi nang sa isip na ako'y iyong minamahal Ngunit hindi ko naisip na sayo'y maging hangal Sa aking isipan hindi ako nangangamba Ikaw lang ang mahal at wala na ngang iba Sa aking isipan hindi ako nangangamba Ikaw lang ang mahal at wala na ngang iba Sa aking isipan hindi ako nangangamba Ikaw lang ang mahal at wala na ngang iba Sa aking isipan hindi ako nangangamba Ikaw lang ang mahal at wala na ngang iba