Noel Cabangon
Noel Cabangon - Kaya Mong Maging Dakila lyrics
Your rating:
Tayo ay isang bansang malaya Mayaman at makulay ang kultura Mayabong ang kasaysayang minana Marilag na bayang pinagpala Sina Rizal, Tandang Sora at Bonifacio Sila'y mga dakilang Pilipino Marangal mapagmahal sa kapwa-tao Bayani at huwarang totoo Koro: Pagyamanin ang mga gintong pamana Isa-buhay ang mga dakilang halimbawa Ang wasto ay ipakita sa mga bata Ikaw ma'y mayaman o dukha Pilipinas bayan kong sinilangan Sa daigdig ika'y walang katulad Taglay ko sa aking puso at isipan Dangal mo o bayan kong nililiyag (Koro) Koda: Anuman ang iyong gawain o hanapbuhay Maging marangal at magpakahusay Mga katutubong aral ang ating patnubay Butihing Bathala ang ating gabay (Koro)