Mike Kosa
Mike Kosa - Mason Karet lyrics
Your rating:
Yo! Mason ‘wag ka na kaya kong mag-isa Gusto mo lamang magpasikat dito sa'king kanta Ano ka ba Mike Kosa ako pa ang mali Sige sa bago kong kanta ay featuring ka uli Kay dami nang mga kalaban ang hindi umubra Kasing dami ng respeto na aking kinubra Masasabi bang ‘wag pag may pumapalakpak Sa lahat ng kanta ko na iyong sinasalampak I mean pinapakinggan (ha ha) teka lang Mason Ang kanta ko'y namamayagpag na sa Central Luzon Easy lang pareng Kosa baka presyon tumaas Kumpara naman sa bakal ikaw ang mas matigas Teka nga Mason Karet wag kang makulet Bakit sumisingit ka sa kanta kong malupet? Hindi naman sa ganun gusto ko lang namang tumulong Na ubusin ang kaaway mo at hiphop ay isulong, masama ba yun? Hindi, tama nga ang panukala, kung meron sampung mali lahat nang yan dapat itama Hindi pa natin panahon kaya dapat magtulungan Na ibangon ang hiphop sa Pilipinas( korek ka diyan) Anong silbi ng iyong mamahaling suot? Kung ang iyong papel basa at palaging lukot? Huwag ka na ngang sumagot, kasi palyado at bulol Nagpahasa ng dila sa taong mas mapurol ang utak That's right, bigyan ko kaya ng lekson At kaya kong pabagsakin lahat ng ‘yong koneksyon Matibay akong proteksyon kahit di dumaan ang pangit Gagaling ka sana kung meron kang utak na aking gamit Yan, yan diyan ka lang magaling Pinapapatulan mo pa rin kahit walang narating Eh sumasama ka pa kasi eh ako nga hindi kinaya Na lumikha lang sa'king letra Magpaparatang na nanggaya daw ako Sabi nila ang tanong ko lang kanino? O nainggit ka lang sa mga letra kong pinino Yan si pareng kosa tama lang na magyabang Kasi akyong lahat sa karangalan ay tiganga Walong bilang panghuli para sa'kin na'to Isama mo naman ako sa lahat ng pangarap mo Sa susunod kong kanta ay kakanta ka pa ba? Kahit wala ng makalaban na nagpapakaba Ba't hindi Mike Kosa dapat kong tiyakin Kung meron lalaki pang ulo dapat ay biyakin Mason kulet (Karet) ginawa mo silang buko Tutuktukan kita kong lapis ko'y naging tako San mo ba nakukuha ang husay mong kataga? Kung titignan lang sa itsura mo'y hindi halata Ha ha ganyan lang talaga tago ang aking prueba Parang may sintomas na hindi pa alam ito'y amoeba Malalim ka talaga, inuuto mo lang ako eh Kumukuha ka lang sa'kin ng teknik at diskarte Hindi ah, siguro parehas lang tayong matibay Na hindi kayang pabagsakin ng kahit sino mang kaaway