Mike Kosa
Mike Kosa - Buhay Na Pinasok Ko lyrics
Your rating:
Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang Halos masaid ang tinta sa kakasulat ng kanta Pinaghusayan ang mga letra gaya ng obra kong pinta At gumugol din ng oras tulad ng presong nasa rehas Naging aktibo sa pag-gawa sa pagiging patas at parehas Buo sa aking saloobin ang nag-iisang mithiin Na balang araw kilalanin mga sinulat kong awitin Na hindi pwedeng agawin at hindi pwedeng harangin Hindi 'to patimpalak na kayang-kaya mong dayain Ang panulat, papel at utak na pinalawak Na tanging sandata ay mikropono na aking hawak Pagka't mikropono ay gagamitin upang ubusin Ang mga nagtatangkang sumira sa'king layunin Dahil akoý umaasa sa pag-asang makamit Kahit itoy ilang taon na rin sakin ipinagkait Ay hinding-hindi lilisan sa mundong nilalakbay Isa ka sa maghanda 'pag ako ay nagtagumpay Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang Hindi nagbago ng prinsipyo sa sariling kalidad Nagtiwala sa sarili mula sa mura kong edad At dala ng pagkabata ang mga munting konsepto Na hindi pinapanigan ang mga maling aspeto Ng ating musika kahit nag-iiba ang klima Kung sinasandalan ay gumagawa rin ng sistema Na mali ang tema ay hindi dapat parisan Nagtiyaga akong magsulat kahit akoý pinapawisan Ang puhunan ko dito ay pawis, pagod, at dugo Na sa hangaring matamo hindi ako uuwing bigo Pagkat ang dila ko ang panahon na rin ang siyang humasa Na kayang-kayang sumabay sa kahit sinung dalubhasa Naging bihasa sa pag-gamit tapos sa mic ako'ý kumapit Halika muna at lumapit, at sumabay sa aking awit Hindi ito ang klase ng lyrics na kaya mong tawanan At hindi ako yung tipo na kaya mong tapakan Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang Ito ang buhay na pinasok ko, ang ating larangan Ang kultura na pinagmulan, ang aking karangalan Ang pangalan na hindi basta-basta pwedeng tapakan Ng kahit na sinumang gusto sa akin magparatang At dumating na ang aking pagkakataon Tinatamasa ko ngayon mga pangarap ko noon Marami na ang bumabati kahit hindi ko kakilala Na kahit saan mapunta ay kanilang naaalala Ang rapper naka preso, naka posas ang kamay Ikaý kumapit sa speaker at baka ka matangay At 'wag mo kong yayabangan narating mo ang lahat Ang pagsikat ng isa ay pag-angat din ng pangkat Nagkalaman din ang pitaka at nagkaroon ng pera Pumipirma ng autograph at dumadami ang pamorma Hindi ka bagay mag-artista para gumawa ng usap Pagka't ang aking pangungusap tadhana ang siyang sumulat At namulat sa industriya ang tulad kong api Na kung marami ang kalaban mas maraming kakampi Ito ang unang hakbang sa'king pakikipagtuos Mike kosa, real boys representing dos talentos