Lhirikoh

Lhirikoh - Istorya lyrics

Your rating:





sa likod nitong talento'y may istoryang nakatago

sa batang isinalin na mula sa ibang dugo

puro bigo ang hinarap mula noong musmos

lumaki siyang tahimik sa kaibigan ay kapos



sa mga kaibigan nya'y lagi syang kinukumpara

sapatos na ipinamana nanggaling daw sa basura

sa kahiyaang makisama ay natutong tumayo

nilisan ang mga kaibigan at tuluyang lumayo



maghapong di lumalabas kasama lang kanyang pamilya 

si bantay ang kasama hanggang sa pagtulog niya

di alintana ang paghihirap kahit walang kaibigan

suporta ng magulang ang kanyang naging sandigan



sa pagdaan ng panahon ang sandigang sinasaligan

ay nagkaron ng lamat pundasyon ay nadungisan

dahil sa paniniwalang sa Dios lang dapat umasa

inusig ng pamilya nilayo pati pag-asa





at pagalis sa kanilang tahanan ang lahat tila iniwan

walang pagkain na dala isang damit ang tangan

bitbit ang bibliya lakas loob nyang hinarap

ang hamon sa lansangan ni wala man lang lumingap



sa kanyang paglalakbay ay tiniis lahat ng gutom

agahan nya ay awa tanghalian ay bulong

ang masaklap ay sa gabi na lagi nyang nararanasan

halos lahat ng tao ay sya ang naging tuksuhan



ang pag-iyak niya sa sulok ang naging solusyon

upang lunasan ang lahat sa kalsadang polusyon

walang dasal at paghingi ng tawad na sinasambit

nakalimutan salita ng Dios na tangi niyang bitbit



at natutong manlimos upang mabuhay araw-araw

kailangan nang kumain dahil ito'y ikatlong araw

ng gutom at ng uhaw humahapdi na ang sikmura

hindi na kayang tiisin alipusta't mga pagmura





nagkaroon ng kaibigan na ngayo'y madadamayan

mga batang pulubi umaasa sa lansangan

nanlilimos ng awa at nanlilimos ng tulong

daming oras na sinyang sa bisyo ay nalulong



at hindi maiiwasan dahil sa hirap ng buhay

istorya ng sang bata'Y hindi nagkaron ng kulay

at tila di naramdaman ng tao na maawa

nag-aabang ng tulong ngunit walang gumagawa



at isang iglap ay kanyang nabatid

ang luha na tumulo ay tuluyan nang pinahid

muli ay nagbangon taas noo syang tumindig

kimkim pa rin ang galit sa pagtikom ng kanyang bibig



ngunit kailangan gumawa ng paraan na maaliw

upang matakpan ang lahat at isip nyay di mabaliw

nadiskubreng mga talento na ngayo'y lumalabas

na pang-aliw at panlibang, sa lungkot na dinaranas




Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Language: Tagalog

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found