Lhirikoh
Lhirikoh - Ikaw (bust It Tagalog) lyrics
Your rating:
DEN-DEN: nang makita ang iyong mukha ako ay nabighani ang iyong kagandahan ay hindi ko na mawari parang beauty queen na sa akin natatangi isang tingin mo lang sa akin ako'y napapangiti sa unang tagpo ay hiningi ko ang pangalan hindi ako nakagalaw nang iyong matitigan pa kong namagnet sa kinatatayauan at biglang hinimatay nung kamay mo ay mahawakan at di nagtagal, ako sayo ay nabuhayan sa tamis ng yong halik ay hindi ko namalayan para akong nahulog sa kinauupuan at biglang pakiramdam ko ay lalao nang gumagaan sa sobrang tagal tayo ay nagkatampuhan sa aking kalungkutan ay hindi malilimutan na sa ating pagsasama na hanggang kamatayan sa ating pagmamahalan na walang katapusan JHO and CHINITO: ikaw sa akin ang nagbibigay saya ikaw sa akin ang nagbibigay ligaya nais kong malaman mo na mahal na mahal kita sana'y iyong makita at iyo nang madama INSOLENT UNO: ikaw lang ang akin ang nagbibigay saya sa mundo kong ito ngayon nagkaroon na ng ligaya ikaw ang tangi kong hangad at nais ko nang makapiling ang buhay ko'y kuntento kapag ikaw ay mapasa'kin mapansin mo lang ako lahat ay aking gagawin nang masabi ko sa'yo laman ng puso ko't damdamin dinadalangin ko sa tuwina na ikaw ay makasama at tanging hiling ko lang na iyo nang madama at don't you know girl, ikaw ang tangi kong pinapangarap ang makasama ka sa buhay ko ay kay sarap namang isipin na ikaw pala sa akin sa panaginip ko lagi tayong magkasiping nalulumbay ako kapag wala ka sa tabi nag-aalala ako at hindi na mapakali ano pa ba ang kulang para lang iyong matanto na ikaw sa puso ko nakaukit pangalan mo JHO and CHINITO: ikaw sa akin ang nagbibigay saya ikaw sa akin ang nagbibigay ligaya nais kong malaman mo na mahal na mahal kita sana'y iyong makita at iyo nang madama JHO: pinaghirapan kong iguhit mukha mo sa isang larawan at kahit ako'y puyat ay akin tong pinaghirapan gumawa ng mga tula na tungkol lamang sayo pinagpuyatan kong isipin mga tugma kong liriko ang oras ko'y ibinigay ngayon ika'y bukambibig sa lahat ng kaibigan ko'y laman ka ng dibdib kahit na sinisiraan ka ang puso ko'y panatag panliligaw ko sayo noon pa man ay matatag ngunit biglang nagbago ang trato mo sa akin dating kasintahan sabi mo'y mahal pa rin ngunit kahit masakit kailangang tiisin muli kong kabiguan kailangang tanggapin wala na kong magagawa kung anuman ang yong desisyon ang magagawa ko lang ay ilihis aking atensyon sana lang ang yong sarili ay wag mong pababayaan kasi ikaw ang buhay kong nagbibigay ng kasiyahan JHO and CHINITO: ikaw sa akin ang nagbibigay saya ikaw sa akin ang nagbibigay ligaya nais kong malaman mo na mahal na mahal kita sana'y iyong makita at iyo nang madama CHINITO: naaalala mo pa ba mga araw na kay saya nakakalungkot lang ngayon kasi ika'y wala na pero tila ba pangarap ko ngayon ay dumating kay tagal kong nagtiis halos ako ay mapraning nang mabalitaan ko mga nangyari sa inyo pagmamahalan nyo daw nagkanda loko-loko kaya ang puso ko ngayo'y nagkaroon ng sigla ngayon ikaw ay dumating sana muli kang makasama pero bakit ba gano'n nalilito pa rin ako kay tagal kong pinangarap pero di ko matanto tanging hiling ko lang naman ay makasama habang buhay ang puso kong bato magkaroon naman ng kulay lahat ay gagawin ikaw lang ay sumaya handa akong maging alipin makasama lang kita kahit gaano katagal maghihintay pa rin sinta lahat ay kakayanin ko kasi MAHAL NA MAHAL KITA!!! JHO and CHINITO: ikaw sa akin ang nagbibigay saya ikaw sa akin ang nagbibigay ligaya nais kong malaman mo na mahal na mahal kita sana'y iyong makita at iyo nang madama