Lhirikoh
Lhirikoh - Banat lyrics
Your rating:
JHO: ang paggawa at pagsulat ng mga naiisip ko na liriko ay nagmula na ngang lahat dito sa pag-iisip ko ang malupet at malikhain pero di nagyayabang eto pagmamalaki ko pa ako'y isang mahirap lang tirahin man ako ng mga kritiko kahit ilan pang beses dila ko'y itutuloy kahit mamaos aking boses at ang aking adhikain ay mamulat ang lahat hindi katulad ng nais mong sa kasikatan ay atat kung pabilisan ang paghamon ako po'y hindi uurong letra ko ay ilalaban, liriko ay isusulong suyurin man mula Arayat at umabot ng Kalentong liriko'y ikakalat, itatatag sa Mandaluyong ang pangarap mong minimithi maging isang tanyag na magaling na rapper pero ang isip mo ay bulag ang letra mong pinaghirapan ay bakit walang saysay dinggin mo ang yong mensahe, puro kayabangan lang sa buhay LIL_SISTAH: ngayon, ang puso mo'y naghahanap na lang ng away at gulo ano ang nararamdaman bakit di muna hanapin kung ano ang dahilan salitang binibitawan dapat mo lang pag-ingatan JHO: ang malalalim na alam mo, alam mong di mo tinuklas kundi kinopya lang sa rapper na gustong mag-aklas at humingi ka pa nga ng tulong para lang ma-kumpleto humakot ng sablay na mga letra na hindi naman concreto mula sa beat ay paganahin na, laman ng iyong utak paandarin parang kotseng sirang kailangan pang itulak ang bunganga mong parang tambucho'y dapat tahiin mga polusyon ng letra mo dapat na nating tanggalin nang marinig ko na ang mga banat mo ako'y kinilabutan para kong natatae dahil sa sobrang katuwaan kasi naman mga letra mo ay sobrang layo na sa beat dinaig mo pa sa katatawanan, mga letra kong binuo PANGIT bakit di kasi aminin na mababagal lang ang kaya mo wala ka na ngang patawad, baguhan lang kinakaya mo sige nga, tignan ko nga, labas mo naman ang yong galing na ginawa ng mahinhin na rapper na isang bading LIL_SISTAH: ngayon, ang puso mo'y naghahanap na lang ng away at gulo ano ang nararamdaman bakit di muna hanapin kung ano ang dahilan salitang binibitawan dapat mo lang pag-ingatan JHO: mula sa jeep patungong edsa ay iyong maririnig ang malulupet na mga kataga, galing sa aking simpleng tinig hindi katulad ng mga nagbabaga, nakakasawang pakinggan kaya eto ang mga bago kong ipapauso nanaman kung ang letra mo ay nagbabaga at laging nag-aapoy pwes ang letra ko ay tubig na sa inyo ko isasaboy nang mahimasmasan kayo sa mga nagbabagang panaginip tigilan na ang pag-istambay nang hindi ka mainip gumawa't sumulat ka ngayon nang may kabuluhan isantabi mo muna ang sarili mong kapakanan ito ay payo na nagmumula sa tapat mong kaibigan makinig man o hindi, sori na lang sa tatamaan ano pa bang hinihintay mo dyan, bat di mo simulan ang mga sinasabi ko ngayon kung susuriin may laman ang mensaheng nagmumula ngayon kay jhojhong liriko ang hamunan dito sa laro dapat paghandaan mo!!! LIL_SISTAH: ngayon, ang puso mo'y naghahanap na lang ng away at gulo ano ang nararamdaman bakit di muna hanapin kung ano ang dahilan salitang binibitawan dapat mo lang pag-ingatan JHO: sa pamamagitan ng mga salita kong talagang walang kasing bilis gaya ng mga pangungusap ko talaga namang walang kasing bangis habulin mo man ang bigat ng mga kataga ko sa inyo'y magpapaalis aralin mo munang mabuti ang mga letra mo nang hindi ka masabihang panis ang mga banatan na pinakawalan ko ay sa mga bataan na mga hambog titigan mo man ng malapitan ang mga sinasabi ko nang ika'y mabusog matatalinghangang mga salita na di mo malaman kung san nagmula layunin ng awit na mga binuo may kabuluhan sana ang yong mga tula