Herman Manlusoc
Herman Manlusoc - Tunay Ba? lyrics
Your rating:
[Verse 1:] Sa unang pagkikita Nabihag mo na sinta, Ang puso kong ito sabi'y Mahal na mahal kita. Puso ko'y tuwang-tuwa, Tayo'y nagkakilala, 'Di rin nagtagal, Naging tayong dal'wa. [Verse 2:] Panaho'y lumipas At dumating ang tag-ulan. 'Di ko malaman bakit Ako'y iyong iniwan. Ano bang nagaw't Tayo'y nagkalayo? Meron na nga bang iba D'yan sa puso mo? [Chorus:] Tunay bang wala na ngang halaga sa puso Ang tulad kong nagmamahal? balewala sayo? Tunay bang wala na ngang halaga sa puso mo Ang puso kong nagmamahal na dati'y naging sa'yo? [Verse 3:] Masasayang alaala Nalimot mo na ba? Dating pinagsamahan Ngayo'y wala na nga? Sa awitin na ito Sana ay madama Ang pag-ibig na alay ko Sa'yo lamang sinta! [Chorus:] Tunay bang wala na ngang halaga sa puso Ang tulad kong nagmamahal? balewala sayo? Tunay bang wala na ngang halaga sa puso mo Ang puso kong nagmamahal na dati'y naging sa'yo?