Hambog Ng Sagpro
Hambog Ng Sagpro - Ermats -Hambog Ng Sagpro lyrics
Your rating:
Ako ay anim na taon nung ako'y iniwanan mo Kaya nung bata pa ako ikaw ay iniwasan ko Kase ako'y may katanungan at ako'y nagtatampo "wala na nga akong ama iniwan pa ng nanay ko?" Sa eskwela pag magulang pinapupunta nila Ako'y walang kasama dahil ako'y walang ama't ina Bakit po? bat't iniwan nyo akong nagiisa? Bat't ganon? bat'sila? andon ang ina nila? Nung Ikaw ay umalis bakit di mo ko dinala Alam mo ang pangalan ko pero di mo kilala Dahil ang aking paglaki hindi mo nasubaybayan Iniwan mo akong anghel ngayon ay may sungay na yan Ilang kaarawan ko na ang nagdaan laging wala ka Kung kaya't habang umeedad mas lalong lumala pa Pero wag magaalala di masama aking loob Bakit? ma pakinggan mo ang susunod 2nd Hindi mo ginusto noong ako ay naiwanan mo Lahat ng binigay mo sakin ay pinaghirapan mo Tanging inisip mo nalamang ay kinabukasan ko Sarili mo hindi mo na inisip nilunasan mo Ang ating buhay na mahirap kaya ika'y nagsikap Sarap ng buhay ko ikaw naman ay naghihirap Kaya nagtanong ako at bakit ba ko nagtampo? "pwede ka namang maghirap basta sama mo ako" Dahil ang buhay mo alam ko at aking nakabisa Matagal ka nang hirap.tagal mo nang nagiisa Ayokong dumating yung araw lahat ay huli na ma Yung dapat kong ipadama hindi ko naipadama Kaya hayaan mo ako hanggang ika'y nandito pa Magsimula ng panibago ulitin sa umpisa Alam mong puso ko'y manhid at bakal ang pagkasadya Pero mahal kita ma hindi mo lang mahalata 3rd Hinahanap mo pa ang pagmamahal ng babae sa iba Eh ang babae na tapat kung magmahal ay ang "ina" Kahit madameng babae sa buhay mo iiwanan ka din nila Pero ang yong inay ang syang babae na matitira Dahil ang isang "inay" ay kayang maghintay Magbago ang kanyang anak at di sya bibigay Ngunit kanyang ibibgay lahat ng kayang ibigay Kahit walang matira sa kanya walang problema kay inay Ang galing galing nila no? Kaya sana'y suklian natin sila kahit papano Di usapan kung magkano ang usapan ay paano Ipakita at ipadama sa kanya kung gaano Mo sya kamahal at nagpapasalamat tayo Sa pagmaamhal nilang walang talo laging panalo Kung wala aking inay.walang "hambog ng sagpro" Hanggang dito nalang dahil na iiyak na nga ko 4th Sa katulad kong anak ay dapat nga lang mainis Pero ikaw ay nagtyaga at sa akin ay nagtiis Kaya ako'y awang awa habang sayo'y nakatingin Kahit walang kwentang anak pinilit mong intindihin Lahat ay kaya mong gawin basta lamang para sakin At patawad sa lahat sana ako ay patawarin Pag ako ay namatay sa kapalarang malupet Sa kabilang buhay maging nanay ko sana ikaw ulet Dahil kahit hirap ka na sa tulad ko na pabigat Magaan parin loob mo sakin kaya halika't Pakinggan kanta ng anak mong suwail at pasaway Ngunit tinanggap mong buo naging mabuti kang inay Kahit ngayon ako mayroon ng dalawang anak Kekwento ko sa kanila ang lola nyo ay nagpatak Ng luhat.pawis at dugo at laging nasa tabi ko Kaya salamat "ermats" ikaw kakampi ko