Gary Granada

Gary Granada - Tao Pa Rin lyrics

Your rating:

Maigib mo man ang dagat at masalin sa balon
At masala man ang alat upang ating mainom
Mapaamo man ang hangin at landas niya'y ibahin
Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin

Ang karunungan ay di mapigilan
Sa lawak ng sining at ng agham
Ang sabi ng tao, kayrami nang bago
Ngunit ang aking alam

Mapitas mo man ang araw at masilo ang apoy
Upang alab niya at ilaw, sa gabi'y tuloytuloy
Ang dilim at ang liwanag kahit pagbaligtarin
Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin

Ang tao ay tao, ang tao ay tao
Ang tao ay tao pa rin

Iba na ang himig, iba na ang awit
Iba na ang hilig ng henerasyon
Iba na ang wika at diwa subalit
Tao'y panghabangpanahon

Mapahaba man ang buhay ng daan-daang taon
Magawa mo man kahapon ang nagagawa ngayon
Malutas mo man ang lihim ng gulang ng bituin
Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin

Ang tao ay tao, ang tao ay tao
Ang tao ay tao pa rin

Kailangang umibig, kailangang ibigin
Kahit na dusa ang kakambal
Ang hahanapin at hahagilapin
Ng puso ay pagmamahal

Sa katarungan at katotohanan
Habang may buhay ay nagmamasid
Sa kalayaan at kapayapaan
Uhaw ay di mapapatid

Palitan mo man ang puno ng mga pamunuan
O mangyari mang maglaho ang pamahalaan
Ang isang milyung layunin kahit na pag-isahin
Sa puso at damdamin, ang tao ay tao pa rin

Ang tao ay tao, ang tao ay tao
Ang tao ay tao pa rin
Get this song at:
bol.com
amazon.com

Copyrights:

Author: ?

Composer: ?

Publisher: ?

Details:

Language: Tagalog

Share your thoughts

This form is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.

0 Comments found