Gary Granada
Gary Granada - Saranggola Sa Ulan lyrics
Your rating:
Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik Ng una kong sinta at kalarong paslit At ang sabi ng matatanda Siya ay maalwan, ako'y dukha Di raw kami bagay at kayraming dahilan Ngunit si Bakekay ay walang pakialam Sa aming kamusmusan kayraming palaisipan Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan Ang pag-asa'y walang hanggan Pag-ibig ay walang hadlang At lilipad ang saranggola sa ulan. At kung ang pagsinta ay di man nagtagal Ang mas mahalaga natutong magmahal Umibig na walang panghihinayang Kahit malamang na masaktan Kanina lang, sa aking tabi'y may aleng lumiko At sa pagmamadali, nasagi ang aking puso Eto na naman ako sa aking kabaliwan Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang Magpalipad ng saranggola sa ulan Gaya ng lagi't laging sinasabi ko O siya nawa ay siya na nga ang totoo. Eto na naman ako sa aking kabaliwan Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan Ngunit hindi hihindian Ng tulad kong natuto nang Magpalipad ng saranggola sa ulan Heto ako, tumatandang Nakahandang panindigang Ang bato sa tubig ay lulutang At lilipad ang saranggola sa ulan