Gary Granada
Gary Granada - Matandang Musikero lyrics
Your rating:
Di pa uso noon ang hi-tech At wala pang alternative music Ngunit ang kanyang mga awit ay totoo Sa mga kantang sinulat Ay marami ang namulat Kahit na ang karamiha'y di nagbago Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara Kahit na si Koyang Jess tumatanda na Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig Kailan lang siya'y nag-umpisa Noo'y hindinghindi pupuwede Musikerong hindi pogi Ngunit naglakasloob siyang maiba Sa taglay niyang katapangan Ang iba ay nabuhayan Kung kaya kami ngayo'y marami na Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara Kahit na si Heber ay tumatanda na Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig Kailan lang siya'y nag-umpisa Ilang beses nang napahamak Ilang beses nang napasabak Sa lasing, pulis at budget na aruy Ilang rally na ang naranasan Ilang puwesto na ang nasubukan Ilang konsyerto na ang di natuloy Tuloy pa rin ang musika sa kanyang gitara Kahit na si Pol Galang tumatanda na Tuloy pa rin ang pag-ibig sa sariling himig Kailan lang siya'y nag-umpisa Ilang lyrics na ang nalimutan Ilang sablay na sa tugtugan Ilang kwerdas na kaya ang napatid Mangyayari rin kaya sa akin Ganun din kaya ang sasabihin Ng mga nakababatang kapatid Buhay pa rin ang musika sa kanyang gitara Kahit na si Granada'y matanda na Buhay pa rin ang pag-ibig sa sariling himig Kailan lang siya'y nag-umpisa Kailan lang siya'y nag-umpisa Bakit ba mukha siyang bata pa