Gary Granada
Gary Granada - Go-ngo (Once Upon A Tune) lyrics
Your rating:
Dahil gobyerno ang nagpasimula Imbes mapabuti lalong lumala Minsa'y iniisip ko, ano kaya Mas mabuting may gobyerno o wala Halalan ay kay mahal Kung nais mong mahalal Isama sa application Alyas Vilma, Nora at Sharon Bahay kubo nang tumakbo Ay naging palasyo nang nakaupo Inom at sugal, sigarilyo't babae Libreng personal na grocery Bahay tubo, Malakanyang Ang negosyo roon ay sarisari Experts, consultants, advisers at media Sa palibotlibot ay maraming tanga Sampung mga daliri, panay malilikot Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot Madudungis na ngipin ng pulitiko Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko Kandidatong bobo, lumipad sa langit Di ko na nakita buhat nang ma-elect Sayang ang boto kong mura lang ang benta Nag-enjoy pa sana doon sa artista My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis Are all political appointees Doon po sa amin, libreng pagamutan Alay ni Congressman sa may kapansanan Nabingi ang bulag, nabulag ang pipi Napipi ang pilay, napilay ang bingi Waldas na hands, gastos left and right Public servant na very bright Cheat them softly, one two three Na-wantutri ang botante Dollar, dollar how I squander From one country to another Travel here, travel there With my relatives and my dear Kapag ang taongbayan Ay may problema Dalawang tenga, dalawang mata Laging nakasara Walang kahiraphirap Kamay at paa Dilang maliit nagsasabing Ganda ng rekord niya *** Dahil NGO ang nagpasimula Ang mga reports nagkawalawala Pagkatapos ng isang buong taon Paplanuhin ang naplano na noon Magmiting ay di biro Maghapong nakaupo Pupusta ako ng sampu Mas marami ang bangku Kung kailan nagmimiting Ay saka kumakain Kung kailan kumakain Ay saka nagmimiting Napadpad kung saan Di dapat pag-usapan Napagkasunduan Na magmiting na naman One hour, two hours nang nang-iindyan Four hours, five hours nang nang-iindyan Seven hours, eight hours nang nang-iindyan Natrapik na naman (kasi may rally, pare...) Nagrally sa Mendiola Sanlibo ang magpunta Nag magtalumpati na Sasampu ang natira Nagrally, nagrally Ang iba't ibang bloke Ang isyu ng rally Sino ang mas marami Paano linawin, paano susuriin Paano lagumin, paano susulatin Hirap himayin, kayhirap tumbukin Pero magaling gumawa ng acronym Gawa ng gawa ng proposal Sanay na sanay sa refusal Damidaming gusto, damidaming konsepto Di pa nabuo ay mayron nang bago There was a farmers' joint program Apir ang dalawang grupo GO-NGO, GO-NGO, GO-NGO Nag disappear ang pondo