Gary Granada
Gary Granada - Balon lyrics
Your rating:
Malimit mong tinatanong sa akin Ang tunay na sanhi at solusyon Ng buhay na pinahihirap natin Bakit nagkaganito, bakit nagkakaganun Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon Huwag kang tumingala sa alapaap Ang ulap ay hindi panginoon Huwag mong sisirin ang lalim ng dagat Ang tubig na maalat ay di tagaroon Daluy lang ng daluy lang ng daloy habangpanahon Sa balon, sa balon, sa balon ay naroon Naroon, naroon, naroon lang ang tugon Ang tugon, ang tugon, ang tugon sa iyong tanong Ay naroon, naroon sa balon May bago nga ba sa mundong ibabaw Kung ang nandoon ay dati nang nandoon Sisikat din at lulubog ang araw At di mo maipangaw ang duyan ng taon Inog lang ng inog lang ng inog habangpanahon Ang ating karununga'y nakatali Sa hangin at buhanging ilusyon At ang dinami-daming mga lahi Sistema at ugali, kultura't tradisyon Salin lang ng salin lang ng salin habangpanahon Sa balon, sa balon... Malimit mong tinatanong sa akin Ang tunay na sanhi at solusyon Ang tao ay mahirap unawain Sinasagot nila ang di mo tinatanong Ikut lang ng ikut lang ng ikot habangpanahon Sino ba ang dapat na sisihin Sino ba ang nasa posisyon Patulan mo ang ibig kong sabihin Kung may ibig sabihin, ito'y isang pasyon Ulit lang ng ulit lang ng ulit habangpanahon