Francis Magalona
Francis Magalona - Mga Praning lyrics
Your rating:
Salamat, pareng Boy. May mga grupo ng mga kabataan ang iniibestigahan sa mga oras na ito hinggil sa nakumpiskang apat na kilo ng shabu. Ang mga kabataan na ito'y matagal nang under surveillance, pareng Boy. Magpasahanggang ngayon ay sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang mga pangalan ng suspects at kung saan nanggaling ang nasabing shabu. Ito po si Lenny Cruz nag-uulat para sa Brown Radio. I've got the story and I gotta tell Kwentong pang-tropa but I only mean well For the good of the kabataan, I mean you Who are wasting away dahil sa shabu Poor man's cocaine, some call it chase Puff the magic dragon all the way To your lungs, ito, anay sa laman May foil, may butter, tooter na lang Nagkulang, pwes, gumawa o manghiram At 'pag ayos na rin, ating sindihan Ang sarap, feel the rush to the head It makes you crave for more of it instead Oh fool, pagbilan ng piso o katorse Buwan after buwan tumataas ang dosage Lalo lang nalunod at saka ka nabaon Sa utang, kawawa naman at malaon At patay ang utak ng tropang ubas Makinig sa akin at ako ang lulutas Ng problema nila, ng tropang gising Ang kasaysayan ng mga praning Praning #1 ay artista pa naman Multi-awarded, idolo ng karamihan 'Di niya nakayanan ang fame at kayamanan Marahil insecure at balang araw masapawan Ng bago o mas gwapo at mas mabango Sa producer at sa press, lalong na-depress Nainggit, he tried it, gumamit, he took it Bumatak ng pahamak sa parak at sumali Gang bust, pero nasa kalaboso Naging paranoid at naging suspityoso Ngayo'y nakakulong at kami'y nanghihinayang Sayang, si Praning #1 Praning #2, graduate ng beauty school Maraming bagets at boys, I mean new kids on the block At siya'y part-time pusher Dugo ng babae, number one hairdresser He's duce, seduce and even introduce 'Cause of the boys while making the use Drug, you can call it crystal methane You can call it want you want but it's all the same One day, he was robbed and stabbed seven times His boyfriend left in the scene of the crime Patay ang bading ng dahil lang sa shabu 'Wag sanang tularan si Praning #2 CHORUS Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning Laging gising, laging gising, laging gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning Praning #3 ay gustong mag-artista Gustong maging bida, kay direk siya naniwala Gumawa ng pelikula, ang tema ay bastos Isa palang pelikula ang dapat nang idaos Ng kakawang star at ang kailangan niya'y gamot Na dapat ratratin upang siya'y makalimot Ng bagay na 'di nais na mangyari binabalak Sa sinapit ng ilan at siya'y biglang nawala Ang isip kumitil sa shabu'y sumisid Ang isip ng fit ngayo'y lumiligid Sa Ermita nagbebenta, 'di kaya Sa matihin ang katawan ang kawawang Praning #3 Praning #4 ay mahilig sa pagtulog Pero ayaw namang aminin na siya'y nalulong Patikim-tikim, kung tumira'y palihim Pero 'di niya akalain na siya'y sasamain Palad, unti-unting sumabog ang lagim Biglang napikutan ang barkadang praning Isa isang na-bust o pinasok ng magulang Pumiyok sa parak, nandamay ng pangalan Ng source ng mike, basta't dinampot na lang Dinala sa dilim, walang awang pinaslang Nagtatakbo na siya't ayaw nang umiskor Sindikato ang kalaban ni Praning #4 CHORUS Laging gising, laging gising, laging gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning BRIDGE Tropang gising ang mga praning Laging gising ang mga praning Ngayong alam n'yo na ang mga ilang istorya Ng mga taong nagpagamit sa droga Hindi lang isa, dalawa o tatlo Hindi pito kundi libu-libo Ang nasira, natalo, namatay, nagutom Nawalan, nakulong, gumagamit ang naloko Shabu ba at ang crystal methane Anay sa laman, poor man's cocaine Sa unang tira, 'di mo mapapansin Ang tama ng mediaphetalamine Hydrochloride, suicide assorted 'Yan ang mangyayari 'pag gumamit ka ng yes (Yes, the rhythm, the dribble) You gotta stop and then you're gonna stumble Down, walang maitutulong ang bato (Eh, gumamit na lang kayo ng pito-pito, eh) O ano, tatanga ka lang ba d'yan Baka abutin ka lang ng siyam-siyam Umpisahan nang itigil ang salot ng bayan Titigil ka lang ba 'pag ika'y pinaglamayan Dinaanan ko na ang buhay ng patay Impyerno ang hatid nito kapag ang panay Gamit ng shabu, dumalangin Na 'wag maging isa sa mga praning CHORUS Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning Laging gising, laging gising, laging gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning Tropang gising, tropang gising, tropang gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning-ning Laging gising, laging gising, laging gising-sing Mga praning, mga praning, mga praning