Florante
Florante - Upuan lyrics
Your rating:
Nakaupo ako lumalamon sila, masasaya itong aking mga kaibigan. Abot kamay nila ang bunga ng puno dahil balikat ko ang ginawang tuntungan. Habang namimitas lalong natatakam, sila ay para bang wala ng kabusugan kahit alam nilang mayrong mga langgam at ang aking paa ang siyang inu-upakan. Nais ko ng magpahinga, marami na kong nagawa at natulungan Akoy labis na nag-aalala, baka ang puno ay tuluyan ng maubusan ng bunga. Nakaupo ako nagbabantay sila, ang mga aso koy laging maa-asahan. Hindi ko lang alam ang binabantayan, ito bang puno o itong aking upuan. Itali ko kaya sa bahay ng langgam, maglilingkod ba o maghahari-harian. Masasagot lamang ang malaking tanong kapag ako ay nawala na ng tuluyan. Nais ko ng magpahinga, marami na kong nagawa at natulungan Akoy labis na nag-aalala, baka itong mga aso ay maulol at magwala Nakaupo ako naiinggit sila, silang nais na pumalit sa aking upuan Ayokong tumayo sa upuang ito kahit itoy sinusurot at ina-anay. Ang upuang ito ay para sa bantay ng punong ang ibinubungay kayamanan. Nangangamba ako kung uupo sila baka ang puno ay lalong mapabayaan. Nais ko ng magpahinga, marami na kong nagawa at natulungan Akoy labis na nag-aalala, marami ang magtutulakan makuha lang ang aking upuan