Aiza Seguerra
Aiza Seguerra - Sa Huli Ang Sikat lyrics
Your rating:
Magmula giliw nang ika'y pumanaw Katawan at puso ko'y walang paglagyan Lakad ng dugo sa mukha ay madalang Lalo't magunita ang itong palayaw Saan pa tutungo yaring kalagayan Dalamhating lubos, liit ng katawan Masaya't kumain, hindi mapalagay Maupo't tumindig, alaala'y ikaw Paalam sa 'yo masarap magmahal May ari ng puso ko't kabiyak na katawan Paalam na nga, yaring pinalalayaw Paalam, giliw ko sayo'y paalam At kung gumabi na, banig ay ihihiga Matang nag-aantok, ipipikit na bigla Sa pagkahimbing, panaginip ka sinta Sabay ang balon na di mapigil na luha Lilimutin mo yaring kahabag habag Puhunang buhay tatawirin ang dagat Pag alis ay sakit, paroroonan ay hirap Masayang palad mo sa huli ang sikat Paalam sa 'yo masarap magmahal May ari ng puso ko't kabiyak na katawan Paalam na nga, yaring pinalalayaw Paalam, giliw ko Sama ng loob ko'y sa akin mag isa Di maipahayag sa mga kasama Puso ko ay lubos na pinagdurusa Tamis na bilin mo'y, magtiis ka sinta Paalam sa 'yo masarap magmahal May ari ng puso ko't kabiyak na katawan Paalam na nga, yaring pinalalayaw Paalam, giliw ko sayo'y paalam Paalam Masayang palad mo sa huli ang sikat.